Tinatayang aabot sa 500 gramo ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng₱3,400,000 ang nakumpiska sa isang guwardiya na umano'y big-time drug pusher sa ikinasang buy-bust operation sa Taguig City, kamakailan.
Nasa kustodiya na ng mga awtoridad si Jayson Teng, 21, may asawa, security guard at taga-Purok 2, Maguindanao Street, Road 20, New Lower Bicutan, Taguig City.
Nakatakas naman ang dalawang kasabwat ng suspek na sina alyas "Jabar" at alyas "Gino."
Sa report na natanggap ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Major General Vicente Danao Jr., hindi na nakapalag ng suspek nang hulihin ito ng mga awtoridad sa kanyang bahay, nitong Agosto 5 ng madaling araw.
Sasampahan ang suspek ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Bella Gamotea