Isang probinsya pa ang nakatakdang isailalim sa pinakamahigpit na lockdown ngayong buwan sa pagsipa ng kaso ng Covid-19 sa bansa.
Inanunsyo ng Malacanang na isasailalim na rin sa enhanced community quarantine o ECQ ang Bataan mula Agosto 8 hanggang Agosto 22 upang mapigil ang paglaganap ng Covid-19.
“President Rodrigo Roa Duterte approved the recommendation of the Inter-Agency Task Force (IATF) to place Bataan under Enhanced Community Quarantine (ECQ) beginning August 8 until August 22, 2021,” pahayag ni Presidential spokesman Harry Roque nitong ngayong Sabado, Agosto 7.
Bago ang anunsyo ng ECQ sa probinsya, nauna nang sumailalim sa modified enhanced community quarantine o MECQ hanggang Agosto 15.
Sa hangaring muling makontrol ang pagkalat ng Covid-19 sa mas agresibong Delta variant, magiging kabilang ang Bataan sa Metro Manila, Laguna, Iloilo City at Cagayan de Oro na nakataas ang ECQ.
Ngayong araw, Agosto 7, ay nakapagtala ng 11,021 new cases ng Covid-19 ang bansa. Nasa kabuuang 1,649,34 kaso ng Covid-19 ang naitala sa Pilipinas mula nang inansyo ang pandemya. Higit 28, 825 ang kasalukuyang death toll ng bansa.
Genalyn Kabiling