Tuluy-tuloy ang pagtakbo ng ekonomiya ng Pilipinas kahit ipinaiiral ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila.
Ito ang binigyang-diin ni Presidential spokesperson Harry Roque sa pagdalo nito sa isang special meeting sa isang shopping mall sa Mandaluyong kung saan isinapubliko ang pagkakabakuna ng 10 milyong Pinoy.
"COVID or no COVID, tuloy po ang pagtakbo ng ating ekonomiya,” paglalahad nito.
Sinabi ni Roque na Agosto 6 ay magsisimula na ang ECQ, gayunman, nilinaw nito na hindi naman ibig sabihin na magsasara ang Pilipinas.