Magsasagawa ng motu proprio investigation ang Commission on Human Rights (CHR) kaugnay ng pagpatay sa transgender na si Cindy Jones Torres sa loob ng kanyang salon sa Guiginto, Bulacan, nitong Agosto 3.

“Through our Regional Office covering Central Luzon, the Commission on Human Rights (CHR) will be conducting a motu proprio investigation into the killing of transgender woman, Cindy Jones Torres, 39, who was said to have been stabbed multiple times in Guiguinto, Bulacan by a man who was allegedly borrowing money,” pahayag ng CHR sa kanilang social media post.

Binanggit ng CHR, ang kaso ni Torres ay isa lamang sa "malupit na katotohanan" na kinakaharap ng mga miyembro ng LGBTQI (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer and Intersex) sa lipunan.

Bilang Gender Ombudsman ng bansa, kinondena ng CHR ang lahat ng porma ng gender-based violence laban sa mga transgenders, at maging ng iba pang indibidwal na mayroong “diverse sexual orientation, gender identity, gender expressions an sex characteristics o SOGIESC.”

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Tiwala naman ang CHR na gagampanan ng pulisya ang kanilang tungkulinupang malantad ang katotohanan hanggang sa makamit ni Torres ang hustisya.

“We send our condolences to the family and loved ones of Cindy Jones. We look forward to the swift action of authorities towards the resolution of this case,” dagdag pa ng CHR.