Aabot sa kabuuang P405 bilyon ang inaasahang malulugi sa ekonomiya ng Pilipinas dahil sa muling ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at mga karatig na rehiyon nito.

Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, P205.37 bilyon ang malulugi sa Metro Manila at posibleng aabot pa ito hanggang P405 bilyon kapag ipinatupad ang pinakamahigpit na lockdown sa Region 4-A o ang Calabarzon (Cavite-Laguna-Batangas-Rizal-Quezon).

Sa pagtataya ni Salceda na isa ring ekonomista, bababa ang gross domestic product o GDP ng bansa mula Agosto 6 hanggang Agosto 20.

Idinahilan ng kongresista, kabilang sa maaapektuhan nito ang services sector industry at maging ang agricultural sector.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Sa pagtaya ni Salceda, mahigit P105 bilyon ang maaaring pagkalugi ng ekonomiya kumpara sa pagtaya ng National Economic Development Authority (NEDA) matapos pagbasehan ang una nang pagkalugi ng bansa nitong Marso, at ang dagdag na paghihigpit ng gobyerno sa sektor ng transportasyon at negosyo.

Maari pa rin aniyang tumaas pa ito hanggang P179 bilyon kung maging ang Calabarzon ay isasailalimsa ECQ.

Sa datos ni Salceda, katumbas ng 1.1% na pagbaba ng GDP ng bansa ang malulugingP405 bilyon.

Nangangamba rin si Salceda na mawawalan ng trabaho ang mahigit 658,000 manggagawang nagtatrabaho sa wholesale at retail trade, at maging saconstruction sa loob ng dalawang linggong mas pinahigpit na lockdown.

Naniniwala rin ang mambabatas na makokontrol ng gobyerno ang paglaganap ng COVID-19 sa pamamagitan ng mas mahigpit na pagkontrol sa mga border, lalong pagsasaayos sa triage system at agresibong contract tracing.

Dagdag pa niya, ang agarang paghahatid at pamamahagi ng bakuna sa buong bansa ay maaari ring maging susi upang hindi na kailangang higpitan ang galaw ng tao.

Vanne Elaine Terrazola