Sinuspinde ng Manila Electric Company (Meralco) ang disconnection activities o pagpuputol ng linya ng kuryente ng mga kostumer nilang hindi nakakabayad ng bill at nakatira sa mga lugar na isinailalim ng pamahalaan sa modified enhanced community quarantine (MECQ).

Nabatid na kabilang sa mga naturang lugar ang Cavite, Rizal at Lucena City, na isinailalim ng pamahalaan sa MECQ mula Agosto 6 hanggang 15 nitong Huwebes ng gabi.

“In light of the government’s announcement on Thursday night that placed Cavite, Rizal and Lucena City under MECQ beginning August 6 to 15, Meralco will also suspend disconnection activities in these areas from August 6 to 15,” anunsiyo ng Meralco.

Una nang sinabi ng Meralco na suspendido ang kanilang disconnection activities sa National Capital Region (NCR) na nakapailalim naman sa ECQ simula Agosto 6 hanggang Agosto 20.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Samantala, para naman sa mga lugar na nasa ilalim ng mas maluwag na general community quarantine (GCQ), sinabi ng Meralco na sila ay magiging "very considerate" sa kanilang mga kostumer at aasiste sa mga concerns ng mga ito.

“For customers in areas under GCQ, Meralco will continue to be very considerate during this period and vowed to assist customers with their concerns,” anito pa.

Tiniyak rin naman ng Meralco sa kanilang mga kostumer na sa kabila ng pag-iral ng ECQ at MECQ, ay magtutuluy-tuloy ang kanilang mga vital operations gaya ng meter reading o pagbabasa ng metro at bill delivery o paghahatid ng bills, upang matiyak na tama ang konsumong sinisingil sa kanila.

Mary Ann Santiago