Nakatakas ang babaeng pasyente na may COVID-19 sa isolation facility sa Metro Manila at nagawang pang kumuha ng commercial flight pabalik sa Koronadal City sa Mindanao.

Ayon kay Dr. Edito Vego, acting head ng City Health Office (CHO) sa Koronadal City, ang pasyente ay galing sa Quezon City papuntang Bulacan at sumakay sa isang commercial flight pabalik ng kanyang probinsya nitong linggo.

“The patient previously tested positive for COVID-19 but escaped from isolation and returned home to attend the wake of a deceased family member,”ani Vego sa isang panayam sa Bombo Radyo.

Ayon pa kay Vego, sa pagbeberipika sa Manila-General Santos flight, nakilala nila ang pasyente na nagmula sa Barangay Sta. Cruz.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Naiulat din umano na sumakay ang pasyente sa isang pribadong van mula sa airport patungo sa lungsod at kalaunan ay dumalo sa burol sa kanilang bahay.

Sinabi ng opisyal na natagpuan na nila ang pasyente at ngayon ay “contained” sa isang isolation facility. Inalerto din nila ang mga awtoridad upang payuhan ang sangkot na airline.

Kasalukuyang tinetrace ng CHO ang naiulat na kasama ng pasyente sa Maynila, ang iba pang mga kapwa pasahero sa van, at mga posibleng contact sa mga miyembro ng pamilya at mga dumalo ng “contaminated wake.”

Idinagdag pa ni Vego na hindi pa nila matutukoy kung ang pasyente ay parurusahan o sisingilin sa paglabag sa mga health protocols.

Dennis Principe