CHINA — Pursigido ang China ng na mag-donate ng dalawang bilyong COVID-19 vaccines sa buong mundo ngayong taon, bukod pa ang $100 milyong donasyon sa international vaccine distribution system o mas kilala bilang Covax, ayon kay Pangulong Xi Jinping, nitong Huwebes.

Ang pangakong ito ay isinapubliko ni Xi sa isang video forum na kaugnayan sa pakikipagtulungan sa bakuna sa gitna ng pakikipaglaban ng China sa panibagong outbreak ng mas nakahahawang Delta variant.

Naiulat na lumaganap na rin ang Delta variant sa iba’t ibang bahagi ng China.

“For the whole of this year, China will strive to provide two billion doses of vaccine to the world,” pahayag ni Xi nang kapanayamin ng isang government television station.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Dagdag pa niya, nangako rin ang China na magdo-donate ng $100 milyon sa Covax para sa distribusyon ng mga bakuna sa mga developing countries.

Nauna nang nangako si Xi ng $3 bilyong tulong sa mga developing countries upang labanan at makabangon sa epekto ng COVID-19.

Sa naunang pahayag ni Chinese foreign ministry Spokesman Zhao Lijian, nakapagbigay na ang China ng mahigit 700 milyong doses ng bakuna sa iba't ibang bansa ngayong taon.

Agence-France-Presse