Nagsalita na ang ama ng United Nations Environment Programme (UNEP) awardee Louise Mabulo at Alkalde ng San Fernando, Camarines Sur na si Fermin Mabulo hinggil sa isyu laban sikat na content creator na si Nuseir Yassin o mas kilala bilang si “Nas Daily".

Ayon sa Facebook post ni Fermin Mabulo, inamin nitong pinilit diumano ni Nuseir na i-feature ang cacao farm kahit na sinabi ni Louise na namumulaklak pa lamang ang mga ito at hindi pa nagkakaroon ng mga bunga.

Larawan: screenshot mula sa Faccebook post ni Fermin Mabulo https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=10225706765673800&id=1169956335

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

"He said he needed content so he insisted on coming over and since we were then huge fans of his daily videos, we agreed for him to come over," ani ng alkalde sa kaniyang post.

Larawan: screenshot mula sa Faccebook post ni Fermin Mabulo https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=10225706765673800&id=1169956335

Pagbabahagi pa ni Fermin, nais daw ni Nuseir na gamiting content ang kuwento mula sa Pilipinas dahil makakahakot umano ito ng malaking views, likes, at share. Kung kaya nama'y binansagan niyang 'The Chocolate Lady from the Philippines' si Louise.

Larawan: screenshot mula sa Faccebook post ni Fermin Mabulo https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=10225706765673800&id=1169956335

"Louise wanted to highlight the farmers and not just herself. But Nas said "who cares about the farmers?" Thats when we lost interest in the whole thing that hes trying to do. His intended content is inconsistent with the realities on the ground. We were very transparent about what we showed him but he was looking for something else," ani Fermin.

Larawan: screenshot mula sa Faccebook post ni Fermin Mabulo https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=10225706765673800&id=1169956335

"We never heard from him since because we unfollowed him. He was full of himself and he was arrogant. Not exactly a role model for the young people to emulate," dagdag pa ni Fermin.

Hinikayat ng alkalde na i-unfollow ng taumbayan ang Nas Daily at kasama nitong content creator na Project Nightfall.