Nilinaw ni Pasig City Mayor Vico Sotto nitong Huwebes, Agosto 5, hindi magpapatupad ang pamahalaang lokal ng liquor ban sa lungsod habang isinasailalimito sa enhanced community quarantine (ECQ).

Gayunman, sinabi ng alkalde na mahigpit nilang ipinagbabawal ang pagtitipon at pag-inom sa labas ng bahay.

Sa isang mensahe sa Balita, kinumpirma ni Sotto na wala silang ipinatutupad na liquor ban, hindi tulad ng ibang lugar sa Metro Manila na ipinagbabawal pa rin ang pagbebenta, pagbili at pag-inom sa kani-kanilang lugar.

Nauna nang sinabi ni Sotto na hindi sila magbibigay ng quarantine pass dahil pinapayagan ang mga residente na bumili ng pagkain at gamot, pumasok sa trabaho, at umalis ng kanilang bahay kapag nagkaroon ng emergency.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Dagdag pa ni Sotto, patuloy pa rin ang operasyon ng mga pampublikong sasakyan sa Pasig kahit ipinatutupad ang mahigpit na quarantine restrictions.

Ipatutupad ang ECQ sa Metro Manila simula Agosto 6-20 dahil sa banta ng mas nakahahawang Delta variant ng COVID-19.

Sa huling datos ng Pasig City Health Office, aabot na sa 604 ang active cases ng COVID-19 sa lugar.

Jel Santos