Sa gitna ng kontrobersiyang isyu laban sa diumanong 'scam' Whang Od Academy ni Nuseir Yassin o mas kilala bilang "Nas Daily", nagsalita ang United Nations Environment Programme (UNEP) awardee Louise Mabulo sa kaniyang karanasan sa nasabing vlogger.

Mga Larawan: Louise De Guzman Mabulo at Nas Daily/FB

Sa kaniyang Facebook post, isiniwalat ni Mabulo ang mga personalidad ni Nuseir. Ayon sa kniya, kinukutya nito ang kaniyang mga kasama. Ilan sa mga linyang ibinato ni ibinato ni Nuseir ay ang mga katagang 'poor', 'farmers are so poor!', 'Why are Filipinos so poor?'

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

"No one wants to hear about farmers or farms, it’s not clickable viewable content," ani diumano ni Nuseir sa pagbabahagi ni Mabulo.

Ayon pa kay Mabulo, hindi pagbabago ang pinakananais nito kundi para lamang humakot ng views mula sa mga kuwento ng mga Pilipino.

"He even joked at the start of the day that all he needed was to put “Philippines” in the title, and he’d rack in millions of views would and the comments would come flooding with brainless ‘Pinoy pride’ comments," dagdag pa ni Mabulo.

Sa kuwento ni Mabulo, tumanggi si Nuseir na kainin ang mga inihandang pagkain ng kaniyang ina at hindi man lang nakatanggap ng pasasalamat.

"At the end of the day, I was exhausted, I had no patience left, and I’d worn out every last dreg of my tolerance. He refused to let anyone take a break or eat, and he blamed his lack of “presentable click-worthy content” on me and claimed that everything is not clickable or viewable," ani Mabulo.

"I should have known better, that this man was exploitative and fueling a neocolonialist narrative using our need for foreign validation. I’ve stayed silent because I knew that I would face backlash for calling out on this man— after all, it’s easy to take Nusseir’s word over mine."

Samantala, hinikayat ni Mabulo ang mga Pilipino, "Filipinos should stand together on this— We are not content to be exploited. We are not culture to be capitalised. We are not people to be romanticized. Or poverty to set the scene for “Benevolent Saviors”. We are more than what the world thinks of us."

"Let’s put our own forward instead, Filipinos have the ability to make our country great if we set aside our differences, refuse exploitation like this, and work in the interest of the Philippines and the Filipino," ani Mabulo.