Humingi na ng tulong nitong Huwebes ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa National Bureau of 

Investigation (NBI) upang maimbestigahan ang nagpakalat ng fake news na nagsasabing "hindi mabibigyan

ng ayuda ang mga hindi pa nababakunahan."

Sa liham ni balos kay NBI Officer-in-Charge Eric Distor, hiniling nito na siyasatin kung sino ang sources ng fake news at papanagutin ito.

Eleksyon

Re-elected na si Lito Lapid, nakapanumpa na bilang senador sa utol niya

“I am requesting your Bureau to initiate the investigation of the said fake news in order for those persons responsible therefore to be held accountable in causing unruliness at the vaccination sites and thereafter to file the necessary charges against them,” ani Abalos.

Wala aniyang basehan ang kumakalat na impormasyon sa social media kaugnay ngdistribusyon o pamamahagi ng ayuda sa mga nabakunahan sa Metro Manila.

Nilanaw din ng MMDA chief na ang ayuda o cash aid mula sa gobyerno na nagkakahalaga ng P1,000 hanggang P4,000 ay ibibigay lamang sa low-income residents o mga residenteng hindi sapat ang pinagkakakitaan kahit sila ay nabakunahan o hindi.

Bella Gamotea