Kahit nabigo na makapag-uwi ng medalya, nakatakda ring tumanggap ng insentibo ang iba pang miyembro ng Philippine team na sumabak sa 2020 Tokyo Olympics, ito angtiniyak ng Philippine Olympic Committee at ngMVP Sports Foundation.

Habang tatanggap ng milyun-milyong pabuya ang lahat ng nakasungkit ng medalya mula sa gobyerno at pribadong sektor, pagkakalooban naman ng tig-P500,000 ang mga non-medalists.

Multi-millionaire na sina weightlifting gold medal winner Hidilyn Diaz at boxing silver medalist Nesthy Petecio habang tiyak na ring tatanggap ng milyun-milyong insentibo ang mga boksingerong sina Carlo Paalam at Eumir Marcial na sigurado na ring may maiuuwing medalya.

“Everyone on Team Philippines in these ‘Golden Olympics’ deserves all the praises, and in this case, incentives, they need,” pahayag ni POC president Bambol Tolentino.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Qualifying for the Olympics is already that difficult, what more competing in the Games,” sabi pa nito.

Kabilang naman sa mga tatanggap ng pabuya kahit na nabigong manalo ng medalya sina rower Cris Nievarez, taekwondo jin l Kurt Barbosa, skateboarder Margielyn Didal, shooter Jayson Valdez, gymnast Carlos Yulo, boxer Irish Magno, judoka Kiyomi Watanabe, weightlifter Elreen Ando, golfer Juvic Pagunsan, pole vaulter EJ Obiena, sprinter Kristina Knott at swimmers Remedy Rule at Luke Gebbie.

Kasalukuyan pang lumalaban ang mga golfers na sina Yuka Saso at Bianca Pagdanganan sa women’s golf sa Kasumigaseki Country Club sa Saitama.

Marivic Awitan