Nagbabala si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos sa publiko na huwag maniwala sa mga impormasyong lumabas sa social media na,"hindi makatatanggapng ayuda ang hindi pa bakunado."

“Huwag kayong maniwala sa fake news. Ito’y ginugulo ang programa natin. Ang sinabi ba naman, na kung wala kang bakuna ay wala kang matatanggap na ayuda…Wala pong katotohanan 'yun,” pagdidiin niAbalos nang dumalo ito sa isang pagpupulong sa isang shopping mall sa Mandaluyong kung saan isinapubliko ang pagkakabakunana ng mahigit sa 1 milyong Pinoy sa bansa.

“Sa mga nanggugulo, ngayon pa lang iniimbestigahan na kayo ng NBI [National Bureau of Investigation] at kung mahuli kayo ipakukulong kayo,” aniya.

“I’m sure [Department of Interior and Local Government] Secretary [Eduardo] Año and the mayors will be on top of this. There will be policemen who will guard this,” dagdag pa ni Abalos.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nakatanggap si Abalos ng mga ulat na dinadagsa na ang vaccination centers dahil nangangamba umano ang mga ito na hindi sila mabibigyan ng ayuda mula sa national government kapag hindi sila bakunado.

Nangyari aniya ito noong Miyerkules sa Maynila, Masinag, at Las Piñas.

“Huwag tayong maniwala sa fake news. Mababakunahan tayo, hintayin niyo schedule niyo. Nandyan ang mga alkalde, magiging maayos po ang lahat, magiging maayos ang pila and let’s make sure walang makakahawa,” pagdidiin ni Abalos, na siyang dating mayor ng Mandaluyong City.

Dahil dito, pinayuhanni Abalos ang mga nagpapakalat ng fake news sa social media, "We are now at a phase na medyo kritikal. Importante na magkatulungan ang lahat at hindi po kayo nakakatulong,” pagbibigay-diin pa ni Abalos.

Nauna nang sinabi ni Año na ang pamamahagi ng ayuda sa mga residente ng Metro Manila ay may kaugnayan sa paparating na enhanced community quarantine o ECQ na magsisimula sa Agosto 6 at matatapos sa Agosto 20.

Ellson Quismorio