Nagbitiw na sa tungkulin si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso bilang Vice Chairman ng Political Affairs at miyembro ng National Unity Party (NUP).

Nilinaw ng alkalde na nitong Agosto 4 pa siya nagbitiw, gayunman, nitong Huwebes lamang niya ito isinapubliko.

Sa kanyang liham kay NUP Secretary-general at Masbate 1st District Rep. Narciso Bravo Jr., sinabi ni Domagoso na nagpapasalamat siya sa NUP sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataon na, “to serve in the best way possible.”

Matatandaan na nahalal si Domagso bilang NUP Vice Chairman for Political Affairs noong Agosto 2019.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Nauna nang naiulat ng ilang news agencies na sasali sa Aksyon Demokratiko party ang alkalde kaya umalis ito sa NUP.

Noreen Jazul