Kumpiyansa ang pamahalaan na magiging epektibo ang muling pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila para hindi na ito mapalawig pa.

“Because the Delta variant is truly highly more transmissible, I echo what PA (Presidential Adviser for Entrepreneurship) Joey (Concepcion) said it is imperative that the private sector, national government and local government units really come together for a united effort to make the August 6 to 20 ECQ in NCR (National Capital Region) work so we do not need to extend,” pahayag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles sa isang virtual town hall meeting.

“Your government is doing a careful balancing act so that we are all safe and at the same time help our economy recover. This ECQ is a necessary step to ensure we will be able to continue to do so,” dagdag ng opisyal.

Tiniyak din n Nograles na palalakasin ang pagbabakuna, test-trace-isolate strategy, at health care system sa panahong umiiral ang ECQ sa Metro Manila.

Politics

Sen. Robin, nadawit sa pagkaligwak ng ibang artistang kumandidato

Daragdagan din aniya ng apat na milyong doses ang suplay ng bakuna sa NCR upang mapaigting ang pagbabakuna para maging protektado ang nakararami laban sa mas nakahahawang Delta variant.

“The acceleration of vaccination in NCR will provide necessary protection especially for A1 to A5 priority groups in the region. Of course this is not to say, we are leaving out the others.The priorities will be hotspots so as to deter the virus spread. This obviously is our best defense together practicing minimum public health standards,” pahayag pa ni Nograles.

Sa halos 37 milyong doses na suplay ng bakuna, mahigit 21 milyon na ang naiturok habang patuloy na lumulobo ang kaso ng COVID-19 sa bansa na sa kasalukuyan ay umabot na sa 1.6 milyon.

Beth Camia