Handa ang gobyerno na maglaan ng karagdagang pondo upang mapanatili ang contact tracing program nito kung kinakailangan upang mas mapaigting pa ang laban sa pandemya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Paliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque, ang badyet para sa pagkuha ng mga contact tracer ay maaaring mapunan kung maubos ang pondo.
“Hindi po ako sigurado kung talagang lack of funding, dahil nagsabi naman po ang DOLE (Department of Labo and Employment) na magpapatuloy sila na mag-empleyo ng mga contact tracers, lalo sa Metro Manila,” reaksyon ni Roque sa isang televised press briefing nitong Huwebes, Agosto 5.
“Pero kung kulang man po iyan, eh dadagdagan dahil ang gobyerno naman po ay mayroon puwede pang pagkuhanan,” dagdag pa niya.
Sa kasalukukyan, aabot na sa 6,000 contract tracer ang katulong ng pamahalaan sa paglaban nito sa COVID-19.
Genalyn Kabiling