Kulam at Kristiyanismo

ni Nick Nañgit

Marami sa atin ang may mali pa ring paniniwala tungkol sa Kulam at Kristiyanismo.

Klaruhin natin.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Ang Kulam ay paggamit ng mga werpa na hindi pangkaraniwan para maapektuhan ang tao o kaganapan. Ito ay may kinalaman sa mahika. Sa buong mundo at sa kasaysayan, iba’t ibang paraan ang ginagawa para magtagumpay ang Kulam.

Ang Kristiyanismo naman ay isang uri ng paniniwala sa isang nilalang na nag ngangalang Kristo. May mga relihiyong nabuo na nagsasabi siya’y isang Diyos, samantalang may iba naman na sinasabing isa lamang siyang propeta.

Ang Kulam ay hindi agad masama. Depende iyan sa intensyon ng gagawa. Bukod sa akto nito, mahalaga ang intensyon, para matupad ang Kulam. Kaya lamang binansagan itong masama, dahil sa ipininta ng mga nagsulong ng Kristiyanismo mula noong ika-14 na siglo. Ikinalat na ang proseso ng mga nangungulam ay sa demonyo at gumagamit ng mahikang itim.

Subali’t taliwas ito sa katotohanan.

Ang isang bruho o bruha ay hindi mananakit, dahil alam niya na may balik ito o karma. Ang Kulam na ginagawa niya ay maaaring puti o itim, depende nga sa intensyon.

Sa paggawa ng Kulam, ginagamit ang mga bunga ng kalikasan. Iginagalang ng mangkukulam ang lahat ng biyaya ng kapaligiran. Alam niya kung kailan ang pinakamabisang panahon para tumalab ang intensyon. Dahil laman ng kalikasan ang mga nilalang na may sungay, hindi ibig sabihin na demonyo na agad.

Sa kasaysayan, may mga nilalang na pinaniniwalaang may taglay na sungay. Ito ay ang mga tinitingala at iginagalang na tagabantay ng mga biyaya ng lupa at pag-ani. Maihahalintulad ito sa mga usa o baka na may mga sungay din, subali’t hindi ibig sabihin na masama na ang mga ito. Sa pagpapalit ng panahon, mula taglamig hanggang sa tagsibol, tag-araw, at taglagas, mahalaga ang ginagampanan ng mga usa at baka, at maging ng mga puno’t halaman, na siyang nagbibigay senyales sa tamang pagtatanim at pag-ani bunga ng kasaganaan. Kasama sa mga senyales nito ang pag-iimbak ng pagkain, para hindi magutom sa panahong may niyebe.

Ang sinasabi sa Bibliya na pinaniniwalaan ng Kristiyanismo (bagama’t may mga relihiyong hindi nakasalalay lamang sa Bibliya) tungkol sa Kulam ay dala na ng maling pagsalin. Ang karunungan sa mga ritwales ng Kulam ay ipininta na lamang na masama, subali’t noong panahon noon, ang mga ito ay iginagalang din at sinasangguni pa nga ng mga pinuno, dahil sa taglay nilang karunungan at pagiging malapit sa pakikipag-ugnayan sa Dakilang Lumikha.

Yung mga kasalukuyang naniniwala sa Kristiyanismo ay ipinipilit pa rin na iisa lamang ang daan, para sa pinaniniwalaan nilang pag-salba. Subali’t hindi lamang iisa ang paniniwala sa ating bansa, at lalo na sa buong mundo. Hindi lahat ay naniniwala sa pag-salba. May tinatawag ding reincarnation, atbp. Dapat lang na galangin ang iba’t ibang paniniwala, dahil hindi lamang iisa ang katotohan sa dako pa roon. Ang isinaksak ng mga prayle sa ating kaisipan ay panilnira sa mga katutubong paniniwala, halimbawa, para isulong ang pag kontrol ng mga mananakop sa ating pamumuhay at sa ekonomiya ng bansa kalaunan. Panahon na para iwasto ang maling pag-iisip na yan.

Sa katunayan, ang mga alay sa Opertoryo ng Misa ay puno ng sangkap ng Kulam. May ritwal (ang mismong pag-alay ng bulaklak, alak, at tinapay) at may intensyon. Kung ano man ang simbolismo ng mga ito, ganun din ang Kulam. May mga simbolismo rin. Maitatanggi pa ba na ang mismong Kristiyanismo ay may mga kaganapan ding maituturing na Kulam?

Para sa iba pang dagdag kaalaman, mag Subscribe Watch Like at Share lang ang Nickstradamus channel ng YouTube, lalo na ang LIVE tuwing Biyernes 11pm Philippine Standard Time. Huwag ito palalagpasin.

At para naman sa mga katanungang saykismo, gaya ng Orakulo gamit ang tarot cards, at sa mga made-to-order crystals, makipag-ugnayan lang sa sulatronikong[email protected].

Hanggang sa muli, Liwanag, Pag-ibig, at Buhay, Namaste!