KALINGA – Labing-limang malalawak na plantasyon ng marijuana na nagkakahalaga ng₱62.1 milyonang sinalakay at sinunog ng mga awtoridad sa magkakahiwalay na operasyon sa Tinglayan ng naturang lalawigan, kamakailan.

Sa panayam kay Kalinga Police Provincial Director, Col. Davy Limmong, ang operasyon na tinawag na 'Oplan Fakut' ay isinagawa ng mga tauhan ng Kalinga Police Provincial Office, Regional Intelligence Division, 1503rd, 1505th at 1501st Regional Mobile Force, Regional Drug Enforcement Group at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Kalinga, kamakailan.

Unang nadiskubre ng mga awtoridad ang walong taniman ng marijuana sa kabundukan ng Barangay Loccong, nitong Agosto 3.

Kinabukasan, natunton naman ng mga ito ang pito pang marijuana plantations sa Brgy. Butbut Proper.

Probinsya

Isang pamilya sa Bukidnon, minasaker umano sa loob ng bahay!

Sinabi ni Limmong, nasa kabuuang 310,600 fully grown marijuana plants ang binunot at sinunog sa dalawang araw na operasyon laban sa iligal na droga.

“Isa na ito sa pinakamalaking marijuana eradication na isinagawa sa Tinglayan na patuloy na tinututukan ng pulisya upang mahuli ang responsable sa pagtatanim ng marijuana, sa kabila ng pagkondena ng municipal officials at pulisya sa pagtatanim ng marijuana," dagdag pa ni Limmong.

Zaldy Comanda