Inilaan lamang sa mga lugar na pasok sa COVID-19 high risk areas o iyong mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) ang mga bakunang donasyon ng United Kingdom at Estados Unidos sa Pilipinas.
Ito ang inihayag ni COVID-19 testing czar Secretary Vince Dizon at sinabing kabilang sa mga ito ang Iloilo, Cagayan de Oro, Gingoog City, at ang Metro Manila, na isasailalim din sa ECQ (enhanced community quarantine) simula Agosto 6-20.
Kabilang din aniya dito ang mga lugar sa bansa na nakapagtala ng mataas na kaso ng COVID-19.
Sa kasalukuyan, patuloy pa ang pamamahagi ng bakuna alinsunod na rin sa pahayag ni National Task Force (NTF) Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr., na kailangang maisagawa ito sa loob ng 24 oras.
Beth Camia