Paborito mo rin ba ang sinigang? Puwes, ito lang naman daw ang "best-rated vegetable soup" sa buong mundo, ayon sa food website na 'TasteAtlas.'
Nakakuha ito ng halos perfect rating na 4.5 out of 5 stars. Inilarawan sa website na ang sinigang daw ay kakaibang soup na malinaw na representasyon ng Filipino cuisine, may tamang asim, at bagay na bagay sa tropikal na klima ng bansa.
“Sinigang is a sour Filipino soup consisting of sampalok (fruits of the tamarind tree), water spinach, green pepper, cabbage, broccoli, eggplant, diced tomatoes, sliced onions, ginger, green beans, water, oil, and salt. The basic broth usually consists of rice washing, with the addition of a souring agent,” ayon sa pahayag ng TasteAtlas.
Nahahati sa apat na kategorya ang rating ng TasteAtlas. Ito ay ang Best (4.5 stars pataas), Great (4.0 hanggang 4.4), Ok (3.5 hanggang 3.9), at Worst (3.5 pababa).
Sa Pilipinas, ang mga ginagawang sinigang ay baboy, baka, isda, hipon, at manok o tinatawag na sinampalukang manok. Marami ring mga prutas na maaaring ipansigang gaya ng sampalok, kamyas, santol, kamatis, mangga, at bayabas.