Isang maksaysayang karangalan ang naiuwi ni Nesthy Petecio matapos masungkit ang silver medal sa 2020 Tokyo Olympics. Dahil sa kanyang pagkapanalo, siya ang kauna-unahang Pilipina na nag-uwi ng medalya sa larangan ng boxing sa World Olympics.
Matatandang 25 taong nang tuyot ang bansa sa medalya sa boxing matapos manalo ni Mansueto "Onyok" Velasco noong 1996 Atlanta Olympics.
Lingid sa kaalaman ng publiko, isang beterenong mentor ang nasa likod ng pagkakasungkit ng medalya nina Onyok at Petecio. Ito ay si Nolito "Boy" Velasco na kapatid ni Onyok.
Pagtapos ng laban ni Petecio sa final round, nagpasalamat siya sa mga sumuporta sa kanya. Aniya, "It means a lot to me because I dedicate this fight for my family, country and my best friend who died."
"I dedicate this medal to my coaches, especially Nolito Velasco. He sacrificed a lot for this competition. This is an important tournament, not for me but my country and coaches,” dagdag pa ni Petecio bilang pasasalamat kay Coach Velasco.
Bago pa man maganap ang 2020 Tokyo Olympics, kampante ang nasabing coach sa mga manok ng Pilipinas sa boxing.
Sa pangangalaga ni Coach Boy, tatlong medalya na ang nakukuha ng 'Pinas — Roel Velasco, bronze medalist (1992 Barcelona Summer Olympics); Onyok Velasco, silver medalist (1996 Atlanta Olympics); at Nesthy Petecio, silver medalist (2020 Tokyo Olympics).