• Ang Delta variant ay nasa 60% mas nakahahawa kumpara sa Alpha o UK variant; tatlong beses naman itong mas nakahahawa kumpara sa orihinal na strain ng SARS-Cov-2 virus.

Pagpapaliwanag ni Dr. Edsel Salvana, miyembro ng Technical Advisory Group (TAG) for Coronavirus Disease (Covid-19), kung ang orihinal na Covid-19 strain ay kayang makahawa mula 2.4 hanggang 2.6 na tao; hanggang 3 na tao naman ang kaya ng European variant; 4 hanggang 5 ang kaya ng Alpha o UK variant, nakababahala na kayang mahawaan ng Delta variant ang hanggang 8 indibidwal. ‘Exponential’ kung ilarawan ni Dr. Salvana ang pagkalat ng Delta strain na nanatili pa ring banta sa Pilipinas.

  • Mas marami ng higit 1,000 viral loads ang Delta kumpara sa mga unang SARS-Cov-2 strains.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Kagaya sa dati nang pagsukat sa dami ng virus at maaaring pinsalang nagagawa sa katawan ng isang taong mayroong HIV, ganun din ang pinatutungkulan ng “viral load” ukol sa SARS-Cov-2. Ang mas higit 1,000 mataas na viral load ng Delta ay nangangahulugang mas nakakahawa ito kumpara sa mga naunang strains.

  • Ito’y tila mas nakamamatay kaya’t malaking banta ito kung mapupuno ang mga pasilidad o pagamutan sa bansa.

Ayon sa World Health Organization o WHO sa isang press conference nito noong Hunyo 21, ang Delta variant ay ang “fastest at fittest” sa lahat ng SARS-Cov-2 strains.

"This virus has the potential to be more lethal because it’s more efficient in the way it transmits between humans and it will eventually find those vulnerable individuals who will become severely ill, have to be hospitalized and potentially die,” pagpapaliwanag ni Dr. Michael Ryan, executive director ng WHO’s health emergencies program.

  • Maaaring magkaroon ng malalang sakit ang mga batang dadapuan ng Delta.

Ayon sa pag-aaral sa Emperial College London, nananatiling mataas ang panganib ng Delta variant sa mga bata at matatanda. Sa katunayan 2.3 beses ang tsansang madapuan sila ng naturang sakit.

  • Mas matagal ang infectiousness duration ng Delta.

Ayon sa pananaliksik ng health science company na Zoe, habang kadalasan tumatagal lang hanggang dalawang lingo ay nakakarekober na agad ang mga tinamaan ng Covid-19, mayroon din sa sampung pasyente ang maaaring umabot ng higit isang buwan bago tuluyang gumaling. Sa Delta variant, maaaring umabot ng higit dalawang lingo bago ang tuluyang recovery ng pasyentent tinamaan nito.

  • Sa loob ng 30 oras, maaari nang makahawa ang bagong Delta host.

Kung dati ay umaabot pa ng tatlong araw bago makahawa ang isang pasyenteng may Covid-19, ngayon ay kahit sa loob lang ng 30 oras ay kaya nang makahawa nito sa mas agresibong Delta variant.

  • Kahit asymptomatic ang pasyente, lubha pa ring nakahahawa ang Delta.

  • Pinakamatagal na ang 15 minuto na exposure upang makalipat ang Delta sa panibago nitong host.

“Yong sinasabi nating close contact at least 15 minutes, nakita even in Australia and China na minsan one, two minutes lang ay pwede nang mahawa. This is a very contagious virus,” pagpapaliwag ni Dr. Edsel Salvana sa hybrid conference sa Malacanang nitong Hulyo 24.

  • Ayon sa website na Yale Medicine, mas mataas ang panganib sa mga taong hindi pa nababakunahan sa oras na mahawaan sila ng Covid-19 Delta variant.

Sa katunayan, ayon preliminary analysis ng Public Health England, lumalabas sa pagsususuri na sa dalawang doses ng Pfizer at Moderna, ito ay 88% epektibo laban sa Covid-19 at 96% epektibo ang dalawang bakuna laban sa posibleng pagkaka-ospital ng pasyente. Samantala, ang AztraZeneca ay nasuring 60% epektibo laban sa Covid-19 at 93% epektibo laban sa potensyal na hospitalization ng isang pasyente. Naiulat din ang Johnson & Johnson na halos katumbas ang proteksyong sa AztraZeneca.

Samantala, ayon sa nilabas na preprint ng medRxiv, mas mababa ang generation ng antibodies sa mga nabakunahan ng Sinovac. Ayon pa sa isang comparative study, kung ikukumpara ang Sinovac sa Pfizer, sampung beses na mas maraming antibodies ang naidudulot nito sa katawan, 269-27.

Gayunpaman, patuloy na pinapaalala ng pamahalaan at ng mga eksperto na bakuna ang pinaka-alas ng lahat sa kumakalat na Delta strain ng Covid-19. Binibigyang diin din ng mga medical experts na lahat ng brand ng bakuna ay nanatiling proteksyon laban sa malubhang epekto ng Delta variant.

  • Sa kabila ng pagsulpot ng maraming Covid-19 variants, iisang ‘treatment’ o pare-parehong paraan ng gamutan pa rin ang ginagawa para sa lahat ng pasyente.