Iba talaga ang husay at giting ng atletang Pilipino!

Hindi man pinalad na masungkit ang gold medal, buong pagmamalaki namang itinaas ni Nesthy Petecio ang kaniyang silver medal sa ginanap na women’s featherweight (54-57 kg) division ng Tokyo Olympics nitong Martes, Agosto 3, 2021.

Nagwagi ang pambato ng Japan na si Sena Irie via unanimous decision sa score ng apat na judges na 29-28 at sa isang judge naman ay 30-27.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Nesthy Petecio yields to Japanese foe, settles for boxing silver – Manila  Bulletin
Larawan mula sa Manila Bulletin

Isa na naman itong makasaysayang pangyayari sa larangan ng Philippine Sports, dahil siya ang kauna-unahang Filipina boxer na nag-uwi ng medalya mula sa Olympics, at pangatlo naman sa mga nag-uwi ng silver medal, sa larangan ng boxing. 25 taon na ang nakalilipas nang huling makapag-uwi ng silver medal ang boxer na si Mansueto "Onyok Velasco,Jr. mula sa 1996 Olympics, at ngayon, bitbit ito ng isang babae.

Sa isinagawang panayam sa kaniya ng media, hindi niya napigilang maging emosyunal dahil inaasam niya ang gintong medalya. Gayunman, nagpapasalamat pa rin si Nesthy dahil hindi pa rin siya pinabayaan ng Diyos sa ring. Isang karangalan daw na maging kinatawan ng Pilipinas.

Ipinangako rin ni Nesthy na hinding-hindi siya susuko, at muling lalaban sa 2024 Olympics na gaganapin naman sa Paris, France.

Tila iginuhit na yata talaga ng tadhana ang kapalaran ni Nesthy sa boxing, dahil sa murang edad pa lamang, ay maaga na niyang sinanay ang kamao sa pakikipagbakbakan sa Bago Gallera, Davao City. Ang unang nakatunggali pa niya, isang lalaki. Gayunman, hindi raw siya aniya nakaramdam ng anumang takot noon.

Basahin:  https:/">https://balita.net.ph/2021/07/31/kamao-ng-pag-asa-ang-kwento-ni-nesthy-mula-davao-patungo-sa-boxing-ring-ng-olympics" target="_blank">https://balita.net.ph/2021/07/31/kamao-ng-pag-asa-ang-kwento-ni-nesthy-mula-davao-patungo-sa-boxing-ring-ng-olympics

Aminado siyang 'boyish' na siya noon pa man. Bukod sa boxing, mahilig na siyang maglaro ng basketball. Kahit na nagpapakitang-gilas na sa larangan ng boxing, tutol dito ang kaniyang sariling ama, na isa pa manding boxing coach.

Naranasan umano niyang mapagalitan at mapagsabihang huwag gawin ang boxing dahil "babae ka, hindi para sa iyo iyan."

Gayunman, nanaig pa rin sa kaniya ang kagustuhang sundin ang sigaw ng puso at igkas ng kamao niya.

Matatandaang si Jane De Leon ang gumanap sa kaniya sa drama anthology na "Maalala Mo Kaya" ng ABS-CBN noong 2020. 

Will Jane de Leon and Coco Martin's secret be exposed? – Manila Bulletin
Larawan mula sa Manila Bulletin

Samantala, marami na raw naghihintay na incentives para kay Nesthy sa pag-uwi sa Pilipinas.

Congratulations, Nesthy!