Dahil sa patuloy na banta ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa bansa na pinalala pa ng Delta variant, inihayag ng Philippine General Hospital o PGH na nasa full capacity na ang Intensive Care Unit (ICU) ng ospital para sa mga batang hinahawaan ng nasabing sakit.

Sa isang television interview, inihayag ni PGH spokesperson Dr. Jonas del Rosario, mas dumami pa ang kaso ng mga batang nagkaroon ng COVID-19 na pinalala pa ng Delta variant. Okupado na aniya ng mga pediatric patients ang pito sa walong porsiyento ng nakalaang hospital beds.

"Right now, ang Delta variant ay mas contagious daw kaya we are seeing more pediatric patients getting COVID-19," pahayag ni Del Rosario.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

PGH says COVID occupancy rate at more than 90%, ICU still full – Manila  Bulletin
Larawan mula sa Manila Bulletin

Umaasa rin si Del Rosario na makatutulong ang pagpapatupad ng enhanced community quarantine o ECQ sa Metro Manila, upang mapababa ang bilang ng mga pasyenteng nahahawaan ng COVID-19 na dinadala sa mga ospital sa Metro Manila, kabilang na rito ang PGH.

Nasa 90 percent fully capacity na rin aniya ang sitwasyon sa ICU ng mga adult patients.

Sa kasalukuyan, ang vaccination program ng panahalaan ay nakalaan sa mga indibidwal na 18 taong gulang pataas, bagama't nakaplano rin naman ang pagbabakuna sa mga 17 taong gulang pababa.