Kinumpirma nitong Miyerkules ng Department of Trade (DTI) na walang ipatutupad na purchase limit sa mga mamimili habang isinasailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Metro Manila simula Agosto 6-20. 

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, hindi magpapatupad ang DTI ng anumang paglilimita sa pagbili ng mga pangunahing bilihin sa mga supermarket at sa iba pang pamilihan kaya walang dahilan upang mag-panic-buying ang ating publiko.

Aniya, mananatiling bukas ang mga pamilihan sa panahon ng ECQ at kailangan lang na sumunod sa mga mandatory health protocols ang mga mamimili.

Lalaking namatay sa rabies, nakapag-‘I love you’ pa, bago bawian ng buhay

Tiniyak din ng opisyal na sapat at matatag ang supply ng pagkain at produkto sa bansa.

Paliwanag pa ni Castelo, magkakaroon lamang ng kaunting pagbabago sa oras ng operasyon ng mga pamilihan kung saan asahan ang isa o dalawang oras na maagang pagsasara ang mga ito bago ang curfew.

Bella Gamotea