Umabot na sa 32 porsyento ng senior citizens sa bansa ang naiulat na fully-vaccinated na laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), ito ang pahayag ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules.

Sa isang televised public briefing, nilinaw ni DOH Director Beverly Ho na tumaas na ang bilang ng nagpapaturoksa naturang hanay, gayunman, patuloy pa rin silang nananawagan sa malaki pang bilang ng mga ito na magpabakuna na upang maprotektahan sila laban sa virus.

Binigyang-diin nito na ang 60% ng mga naitatalang COVID-19-related deaths sa bansa ay pawang senior citizen kaya mahalaga aniyang mabakunahan na ang mga ito.

Mary Ann Santiago

PNP, kakalampagin mga bagong halal na politiko para sa kampanya kontra droga