Nakabibilib panoorin ang mga atletang Pilipinong kumakatawan sa Pilipinas, na nakikipagtagisan ng husay at talento sa Tokyo Olympics 2020. Iba-iba ang nagiging paraan ng mga indibidwal, pangkat, komunidad, at iba pang mga sektor ng lipunan upang ipakita ang kanilang paghanga at pagpupugay sa mga bayaning ito.

Isa sa mga naisip na paraan ng isang 24 taong gulang na artist na si Francis Diaz ang gumawa ng tribute para sa mga atletang Pilipinong kumatawan sa Tokyo Olympics 2020, sa pamamagitan ng mga binasag o bubog ng bote. Sa kaniyang Facebook post, ibinahagi niya ang ilan sa mga larawan niya, na nagtatampok sa mga materyales at obra na nalikha niya.

Lumikha si Diaz ng 'broken glass art mosaic' sa pamamagitan ng bubog ng bote, pentel pen, at lapis. Gumugol siya ng 7 oras upang matapos ang mga obra. Una nang naging viral at pinag-usapan ang kaniyang bubog art tribute para kay Nesthy Petecio.

Human-Interest

Guro, kumasa sa ipon challenge para mabigyan ng Christmas party kaniyang advisory class

May be an image of bottle and indoor
Larawan mula sa Facebook account ni Francis A. Diaz

No photo description available.
Larawan mula sa Facebook account ni Francis A. Diaz

May be art of indoor
Larawan mula sa Facebook account ni Francis A. Diaz

No photo description available.
Larawan mula sa Facebook account ni Francis A. Diaz

May be an image of 1 person and standing
Larawan mula sa Facebook account ni Francis A. Diaz

May be an illustration
Larawan mula sa Facebook account ni Francis A. Diaz

"Maraming salamat sa pangangatawan ng ating bansa. Isang malaking karangalan na makaapak sa entablado ng Tokyo Olympics 2020. Lahat kayo ay panalo sa puso at isip ng bawat Pilipino," aniya.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/08/01/bubog-art-tribute-para-kay-hidilyn-ibinida-ng-artist-mula-samar/

"Patuloy lang tayo mag-isip at lumikha ng mga bagay-bagay na mapapakinabangan," saad ni Diaz sa panayam ng Balita.