Iginiit ni Senador Francis Pangiinan sa pamahalaan na tiyakin ang ayuda sa mga lugar sa Metro Manila na apektado ng enhanced community quarantine (ECQ).

“Nakikipagsapalaran ang mga tao at lumalabas ng bahay para magtrabaho o maghanap ng makakain dahil may mga pamilya silang umaasa sa kanila. Madalas, dahil walang kita kapag lockdown,wala ring pagkain para sa mga pamilya. Dito na pinaka-kailangan ang gobyerno," paliwanag ng senador.

Mula Agusto 6 hanggang 20 ay isasailalim ang Metro Manila sa ECQ dulot na rin ng paglobo ng kaso ng ana rin ng paglobo ng kas ng Deltavariant ng COVID-19.

Aniya, ang maagap at sapat na tulong ang susi upang matulungang makaraos ang mga apektado ng lockdown habang nasa loob sila ng kanilang mga tahanan.

Internasyonal

Dating posisyon ni Pope Leo XIV, ipinasa kay Cardinal Tagle

Leonel Abasola