Hindi na tatanggap ng walk-in vaccination ang Caloocan City simula kahapon, Agosto 2 upang maiwasan ang mahabang pila at pagdagsa ng mga nais magpabakuna ng COVID-19 vaccine sa kanilang vaccination sites.
Gayunman, hindi naman inihinto ang walk-in vaccination para sa mga senior citizen dahil pinaprayoridad nila itong mabakunahan na.
Kaugnay nito, ipatutupad ang pre-listing system sa tulong ng mga barangay upang maiwasan ang dagsa ng mga tao sa vaccination sites ng lungsod.
"MAKIPAG-UGNAYAN PO KAYO SA INYONG MGA BARANGAY. Sa kanila po manggagaling ang listahan ng mga babakunahan natin kada araw, depende sa availability ng slots. Bukod dito, magtatalaga na rin ng oras ng pagpunta kada barangay sa ating vaccination sites. Sasabihan po kayo ng inyong barangay kung kailan at saan ang inyong schedule," saad ni Mayor Oscar Malapitan sa kanyang Facebook post.
Orly L. Barcala