Mukhang tuloy na tuloy na nga ang pagbabalik ni Piolo Pascual sa ABS-CBN.

Ibinahagi ni Dreamscape Entertainment head Roldeo "Deo" Endrinal sa kaniyang Instagram story ang dinaluhang virtual meeting via Zoom kasama ang iba pang mga ABS-CBN Kapamilya executives, at syempre, present si Papa P. Nangyari ang virtual meeting nitong Lunes, Agosto 2, 2021.

Larawan mula sa Instagram account ni Deo Endrinal

Pelikula

Barbie Forteza, magkakaroon ba ng pelikua; sinong leading man?

Isa sa mga content-providing unit ng Kapamilya Network ang Dreamscape Entertainment, na nag-produce ng huling teleserye ni Piolo sa network, na pinamagatang "Since I Found You" noong 2018. Nakasama niya rito sina Arci Munoz, Alessandra De Rossi, JC De Vera, at komedyanteng si Empoy.

Ang iba pang ABS-CBN bosses na dumalo sa pulong ay sina Chief Operating Officer for Broadcast Cory V. Vidanes, Scripted Format head Ruel S. Bayani, at TV Production and Star Magic head Laurenti Dyogi. Present din ang manager ni Piolo na si Lulu Romero, at Cornerstone Entertainment President Erickson Raymundo. Hindi pa alam kung anong klaseng proyekto ang gagawing come-back ni Piolo sa Kapamilya Network.

Hindi kasi matuldukang chismis ang umano'y napipintong paglipat ni Papa P sa GMA Kapuso Network, lalo't ang tatay-tatayan niyang si Mr. Johnny Manahan, ay consultant na sa GMA Artist Center.

Larawan mula sa IG ni Piolo/Manila Bulletin

Natandaan kasi ng publiko ang sinabi niya noon na hindi siya makahihindi kay Mr. M, na napatunayan naman niya, matapos niyang pumayag na mapasama sa debunct Sunday musical variety show na "Sunday Noontime Live" o SNL na umere sa TV5 under Brightlight Productions.

Nitong Hulyo, binasag na ni Piolo ang kaniyang katahimikan, nang sinabi niyang hindi siya aalis sa bakuran ng kaniyang home network.

Sa katunayan, hanggang ngayon ay logo pa nga ng ABS-CBN ang display photo niya sa Instagram.