Malaki ang pakinabang ngayon pagdating sa paggamit ng internet, partikular na ang paggamit ng mga online apps, upang makapag-shopping.

Gayunman, huwag pakampante kung ayaw maranasan ang nangyari sa isang concerned netizen na nagngangalang "Ice Idanan" matapos niyang ibahagi sa kanyang social media post ang panggogoyo umano sa kanya ng isang bike shop.

Sa bahagi ng kanyang post nitong Agosto 2, 2021, kinailangan nilang bumili ng sariling hospital bed para sa kanyang ina at sa pamamagitan ng isang online shopping company ay agad nilang kinontak ang RBZ Bike Shop na nag-aalok ng nasabing medical equipment.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Screenshot mula sa Facebook account ni Ice Idanan

"This is a very long post filled with screenshots of a very stressful conversation. TL;DR do not trust this shop. Our family has decided to buy a hospital bed for Mom. We were happy to see one on Lazada worth 5k pesos. We messaged them on Viber for a faster transaction," aniya.

Nakapag-downpayment pa siya ng ₱2,500, gayunman, habang humahaba ang kanilang usapan ay palaki nang palaki umano ang sinisingil sa kanya ng seller. "But scammed us by asking demurrage charges amounting to ₱18,000. I am sharing the screenshots so it won't happen to you. They even used God to take advantage of people in need. Sayo na 'yung ₱18,000, Mr. Chinese Man. God bless you."

Aminado naman siya aniya na masyado siyang mapaniwalain at mabait kaya naniwala siya sa panggogoyo ng kanyang ka-transaksyon sa Viber.

"I admit I was very gullible and stupid to fall for all this. Umiyak nako, tumaas BP ko, asthma attack. Ta****na. Sorry. I just really believed in humanity too much. Mabait/tanga lang talaga ako masyado. Sayang pera. Sorry Mommy. Lord, kayo na po bahala sa mga ganitong tao. BTW, hanggang ngayon tumatawag pa si Charblie at naniningil."

Isinama rin niya sa naturang Facebook post ang screenshots ng kanilang pag-uusap sa Viber.

Screenshot mula sa Facebook account ni Ice Idanan

Magsilbing babala raw sana ito sa publiko o ang ganitong insidente, lalo na sa panahon ngayon ng pandemya ng coronavirus disease 2019.