Pansamantalang sinuspinde ng Manila Electric Company (Meralco) ang kanilang disconnection activities sa Laguna at National Capital Region (NCR) sa piling petsa ngayong buwan, kasunod na rin nang pagsasailalim ng mga naturang lugar sa mas istriktong community quarantines dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Ayon sa Meralco, ang disconnection activities sa Laguna ay suspendido mula Agosto 1 hanggang 15, dahil sa pagpapatupad ng pamahalaan sa lalawigan ng modified enhanced community quarantine (MECQ).

Samantala, ang disconnection activities naman sa NCR ay suspendido mula Agosto 6 hanggang 20,dahil sa nakatakdang pagsasailalim sa rehiyon sa enhanced community quarantine (ECQ).

“Given the current situation, we continue to take into consideration the challenges our customers are facing amid these difficult times,” ayon kay Meralco first vice president at chief commercial officer Ferdinand Geluz, sa isang pahayag.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

“Thus, we will again suspend all disconnection activities in NCR and Laguna to help ease the burden of our customers with the needed relief and additional time to settle their bills,” aniya pa.

Kaugnay nito, umapela rin ang Meralco sa mga kostumer na makipag-ugnayan sa kanila sa mga billing concerns ng mga ito at samantalahin ang pagkakataon upang makaiwas sa mahabang pila, sa sandaling alisin nang muli ang ECQ.

Sinabi pa ni Geluz na kahit umiiral ang istriktong community quarantines sa mga naturang lugar ay tuloy pa rin ang business operations ng Meralco, kabilang na rito ang meter reading at bill delivery activities.

“Our continued operations will ensure that actual consumption for the month will be billed accordingly,” aniya pa.

“But rest assured there will be strict implementation of health protocols in order to safeguard the health and safety of both customers and our personnel,” dagdag pa niya.

Nabatid na mananatiling bukas ang business centers ng Meralco mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes, at mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali sa araw ng Sabado.

Mananatili rin anilang nakaantabay ang kanilang mga crew ng 24/7 sakaling kailanganin ang serbisyo ng mga ito.

Mary Ann Santiago