Nagkaisa ang mahigit sa 500 urban poor community organization nitong Lunes, Agosto 2 para ilunsad ang 'LENI Urban Poor' upang manawagan kay Bise Presidente Leni Robredo na tumakbo sa pagka-pangulo sa 2022 elections.

Inaasahan ng coalition na ihinto ang posibilidad na pangalawang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte kung manalo ito bilang bise presidente. Kamakailan, inamin ng Pangulo na kakandidato ito upang maiwasan ang mga demanda o kung ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang kakandidato bilang pangulo.

Sa isang pahayag, naniniwala ang koalisyon na sa lahat ng mga political leaders ngayon, ang bise presidente ang “may pinakamalinaw na pang-unawa sa mga problema ng mga pangkaraniwang tao.”

“We declare that Leni should run for President. She should be the President. We also support Leni’s efforts to build broad opposition unity, which is based on her clear understanding of the political situation,”ayon sa manifesto ng coalition.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

“We agree with Leni that, more than anything, it is important to build a united opposition with only one presidential candidate. Like Leni, we believe this is the only way for democratic forces to succeed,” dagdag nito.

Sa nasabing virtual launching ceremony, binasa sa social media ang manifesto kung saan pinirmahan ito ng 200 urban poor community leaders.

Wala pang anunsyo si Robredo tungkol sa kanyang plano na tumakbo bilang pangulo, gayunman, inaasahan ng coalition ang pagkandidato nito sa mas mataas na posisyon.

Bukod sa mga urban poor sector, nagpahayag din ng suporta para kay Robredo ang grupo ng kababaihan at iba pang organisasyon.

Raymund Antonio