Ibabalik muli ang quarantine pass system na ginamit noong unang ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) dahil isasailalim na ulit ang Metro Manila sa kahalintulad na quarantine restrictions.

Ito ang inihayag niMetropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos nitong Lunes, Agosto 2.

“Kung ano ang pinraktis noong araw, as much as possible, effective naman, napababa ang kaso. 'Yun na rin po ang gagawin na practice,” ani Abalos nang dumalo sa virtual press briefing.

“Siguro ang gagawin ng each LGU [local government unit] (Maybe what the LGUs will do is), it would really depend if they would use the old ones or issue new ones through their barangay captains. They got their own procedures here,”aniya.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

“‘Yun na lang po muna gagawin namin ngayon because mabilisan po ito eh. We only have five days to go before ECQ,”dagdag pa ni MMDA chief.

Muling isasailalim ang NCR sa ECQ simula Agosto 6 hanggang Agosto 20 upang pigilan ang pagkalat ng Delta variant.

Sa dalawang linggong ECQ, sinabi ni Abalos na magkakaroon ng unified curfew hours sa Metro Manila simula 8 ng gabi hanggang 4 ng madaling araw.

Nagdagdag ng dalawang oras sa dating anim na oras na curfew, na mula 10:00 ng gabi hanggang 4:00 ng madaling araw

“Napagbotohan po ito, unanimous po sila,” ani Abalos.

Aniya, hindi na rin kailangan ng pag-apruba ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases dahil ito ay saklaw ng local executives.

“These kinds of regulations, within the power na po ng mga mayors. Hindi na po kailangan ng IATF approval,” paliwanag pa ni Abalos.

Elison Quismorio