Pinasalamatan ni Pinoy Olympic figure skater Michael Martinez ang publiko dahil sa walang humpay na pagsuporta sa kanyang fundraising drive para sa kanyang laban sa Olympics.

Sa kanyang Facebook post, nagbigay ng update si Martinez sa kasalukuyang sitwasyon ng kanyang fundraising campaign sa pamamagitan ng "GoFundMe."

"I wanna thank EVERYONE for all the love and support. I am super happy and grateful. When I go back to the Philippines, I really wanna see all of you and skate with you guys. That would be really amazing. Who is up to it?" ang unang bahagi ng social media post ni Martinez.

"The fundraising is going really well thanks to you guys. You guys kept sharing it too. So I just want to be transparent on how it is being used."

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

image.png
Larawan mula sa Facebook account ni Michael Martinez

Umabot na sa ₱175,458 ang nakalap nila sa pamamagitan ng GCash at ₱51K mula naman sa bank transfers.

Inisa-isa ni Martinez kung saan at kanino ilalaan ang anumang halagang malilikom nila. Ang bahagi ng malilikom ay ibabayad sa kanyang coaches at training loan. Ang iba pa ay ilalaan sa accommodation ng kanilang team sa Russia.

Inamin ni Martinez na, "heart-warming" at "emotionally rewarding" ang kanyang nararamdaman para sa mga Pilipinong sumusuporta at naniniwala sa kanyang kakayahang makapagdala ng karangalan sa bansa.

Sa hiwalay na social media post, binalaan niya ang publiko sa mga pekeng fundraising na ginagamit ang kanyang pangalan.

"We only use 1 gofundme campaign,1 GCash QR Code, 1 Philippine Bank Account (BDO) and 1 US Bank Account (WELL'S FARGO). Let's be careful. Thank you! I love you guys!," babala pa ni Martinez.