Umapela si Vice President Leni Robredo sa mga Pilipino na mag-donate sa community pantries at tulungan ang maliliit na negosyo bunsod ng pagbabalik ng Metro Manila sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) na naglalayong mapigilan ang mas mapanganib na Delta coronavirus disease 2019  variant na nananalasa ngayon sa maraming lugar ng bansa.      

Wala pa aniyang katiyakan na may ayudang darating. "Sabi nila, walang pondo. Umaasa tayo na sana'y merong pondo, pero sakaling walang ayuda, kailangang tulungan natin ang mga nangangailangan," panawagan nito.     

"During the ECQ, if we know someone in the community who can't go to work or is no work, no pay, maybe we can help the family," pagbibigay-diin ni Robredo.

Matatandaang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na magpatupad ng mas mahigpit na quarantine restrictions sa Metro Manila simula sa Agosto 6 hanggang 20 upang masugpo ang nakahahawang Delta variant.

Metro

Babaeng lulong sa online gambling, sinaksak ang anak dahil sa Wi-Fi password

Bert de Guzman