Iniulat ng Department of Health (DOH) na umaabot na sa mahigit 9.1 milyong Pinoy ang fully-vaccinated na laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa pinakahuling vaccine bulletin na inilabas ng DOH, umaabot na sa 20,863,544 doses ang naiturok na o may limang buwan nang simulan ang COVID-19 vaccination sa Pilipinas noong Marso.

Sa naturang bilang, 11,747,581 indibidwal ang nakatanggap ng first dose ng bakuna.

Kabilang sa kanila ang may 1,995,926 frontline health workers (A1 category); 2,884,325 senior citizens (A2 category); 3,770,784 persons with comorbidities (A3 category); 2,623,263 essential workers (A4 category) at 473,283 indigents (A5 category).

Internasyonal

Dating posisyon ni Pope Leo XIV, ipinasa kay Cardinal Tagle

Samantala, nasa 9,115,963 naman ang mga indibidwal na fully vaccinated na, kabilang ang 1,571,843 frontline health workers; 2,616,273 senior citizens; 3,327,621 persons with comorbidities; 1,295,610 essential workers; at 304,616 indigents.

Nakapagbakuna na rin ang gobyerno ng average na 523,018 doses kada araw nitong nakalipas na linggo, base sa datos mula sa 1,465 active at reporting vaccination sites, ayon sa DOH.

Mas mataas anila ito sa target na 500,000 jabs lamang kada araw.

Kaugnay nito, muli rin namang hinikayat ng DOH ang mga mamamayan na mahigpit na tumalima sa ipinaiiral na minimum public health standards (MPHS) at magpabakuna na upang maproteksiyunan sila laban sa COVID-19

Mary Ann Santiago