Tinatayang nasa 10,000 katao o higit 2,600 na pamilya ang nananatili pa rin sa mga evacuation centers matapos ang paghagupit ng Bagyong Fabian, paglalahad ng Department of Social Welfare and Development nitong Linggo, Agosto 1.

Sa tala ng Disaster Response Operations Monitoring and Information Center (DROMIC) nitong ika-6 ng gabi, Agosto 1, nasa 2,672 na pamilya o higit 10,259 katao ang lumikas sa 153 na evacuation centers.

Ayon pa sa ulat, may kabuuang 30,594 o 147,918 ang nanatili na lamang sa kanilang mga kamag-anak o kaibigan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Tala mula sa DSWD-DROMIC Facebook Page

Dagdag ng DROMIC, apektado ng pag-ulan ang higit 200, 915 katao mula sa 641 na mga barangay.

Kabilang sa mga apektadong rehiyon ang Cordillera Administrative Region (CAR), National Capital Region), Central Luzon, and Mimaropa.

Nagpaabot na ang DSWD, mga lokal na pamahalaan at pribadong organisasyon ng higit P2.91 milyon na ayuda para sa mga apektadong pamilya.

Charissa Luci-Atienza