Hinangaan ng mga netizen ang isang young artist na taga-Barangay Calumpang, General Santos City matapos lumikha ng graphite art ni Olympic Gold medalist Hidilyn Diaz bilang pagkilala o tribute sa nasabing atleta.

Iginuhit ni Bryan Balbon Layno, 19, ang imahe ni Diaz sa isang resibo kaya hinangaan ng mga netizen dahil kuhang-kuha niya ang aktuwal na reaksyon ng atleta sa pagkapanalo nito.

image.png
Larawan mula kay Bryan Layno

Human-Interest

10 anak napag-aral sa kolehiyo ng mga magulang sa pagtitinda ng fishball, balut

Ito aniya ay paraan ng kanyang pagpupugay sa atleta na naging inspirasyon aniya ng marami, lalo na para sa mga gaya niyang kabataan.

Aminado si Layno na kahanga-hanga si Hidilyn kaya nararapat lamang na bigyan ng tribute, batay sa simple, ngunit, kahanga-hanga ring talento: ang pagguhit sa pamamagitan ng graphite.

"Ginagawa ko po 'yun as a tribute as the first Filipina to win a gold medal in the Olympics," saad ni Layno sa panayam ngBalita.