Bigo ang Filipino-American sprinter na si Kristina Knott na makausad sa semifinal round makaraang tumapos na huli sa Heat 7 ng women’s 200-meter event ng Tokyo Olympics athletics competition sa Olympic Stadium nitong Lunes, Agosto 2.

Naorasan si Knott ng 23.80 segundo para pumanglima sa kanyang heat.

Tanging ang top 3 ng bawat heat at ang tatlong sumunod na pinakamabilis sa lahat ng qualifying ang makausad ng semifinals.

Nanguna sa Heat 7 si Jenna Prandini ng Estados Unidos na naorasan ng 22.56 segundo, sumunod si Gina Bass ng Gambia na nagtala ng 22.74 segundo at pumangatlo ang Australian sprinter na si Riley Day na nagposte ng 22.94 segundo. 

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Dahil sa kabiguan, tapos na rin ang kampanya ni Knott sa Tokyo Olympics.

Marivic Awitan