Magandang balita para sa 28 micro, small and medium enterprises o MSMEs sa rehiyon ng Bicol matapos maglagak ng P28 milyon na “innovation-enabling fund” o iFund ang Department of Science and Technology (DOST).

Pagmamalaki ni DOST Secretary Fortunato “Boy” T. de laPeña, ang probisyon ng iFund sa unang semester ng taon ay naging posible sa pamamagitan ng Small Enterprise Technology Upgrading Program (SETUP).

“Thirty-six percent belonged to the food processing sector, 32 percent to metals and engineering, 18 percent to agricultural sector, 3 percent to gifts, decors and handicrafts (GDH), and 11 percent to other sectors including garments, and information and communication technology,” pahayag ng kalihim sa lingguhang ulat nito noong Biyernes, Hulyo 30.

Liban sa iFund, nangako rin ang DOST na maglalaan ito ng “scientific and technological services such as food safety and assistance for compliance with regulatory and market standards, including laboratory testing.”

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Hinikayat naman ni DOSTV Regional Director Rommel R. Serrano ang MSMEs na patuloy na magbigay ng hanapbuhay sa mga apektadong mamamayan dulot ng pandemya.

Pagdadagdag nito, ilang pang ayuda ang ipapaabot sa MSMEs sa Bicol para mapataas pa ang matalinong produksyon at kalidad ng produkto.Layon ng SETUP na mapataas ang produksiyon at competitiveness ng local entrepreneurs sa paggamit ng teknolohiya.

Dagdag ng DOST, nasosolusyunan ng MSMEs ang mga technical problems at napapabuti ang produksyon sa pamamagitan ng:

-Pagbubuhos ng wastong teknolohiya sa pagpapaunlad ng produkto, serbisyo at/o operasyo

-Human Resource traning, technical assistance and consultancy services

-Pagdidisenyo ng nagagamit na mga packages at labels

-Tulong sa pagtatatag ng pamantayan sa produkto kasama na ang pagsuri nito

-Data management system

-Provision of assistance for technology acquisition

-Priority Sectors

Kabilang sa prayoridad na sector ang Food Processing, Furniture Gifts, Housewares, Decors, Agriculture/Marina/Aquaculture, Metals And Engineering, and iba pa (kabilang ang Communications Technology (ICT), Pharmaceuticals And Health Products).

Charissa Luci-Atienza