CABANATUAN CITY, Nueva Ecija - Nakapagtala na ang Nueva Ecija ng dalawang kaso ng Delta coronavirus disease (COVID-19) variant, ayon kay Nueva Ecija Inter-Agency Task Force (NEIATF) chairman Aurelio Umali na siya ring gobernador sa lugar.

Kabilang aniya sa dalawang nahawaan ang isang lalaking overseas Filipino worker na taga-San Leonardo at isa ring lalaking taga-Talavera at nagtatrabaho sa Bataan.

"Naka-isolate na po 'yung dalawang patients at kasalukuyan na pong nagsasagawa ng contact tracing sa mga nakasalamuha nila," sabi ni Umali.

Dumating aniya sa bansa ang nasabing OFW mula Riyadh, Saudi Arabia nitong Hulyo 14, gayunman, natuklasang lamang na tinamaan ito ng variant nitong Hulyo 27.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Ayon sa kanya, nasa katergoya naman ng local transmission ang ikalawang pasyenteng taga-Talavera dahil nahawa ito mula sa pinapasukang kumpanya.

Kaugnay nito, magpapatupad naman ang lalawigan ng 14-day borders restrictions mula Agosto 6 at tatagal hanggang Agosto 20 upang hindi na maulit ang insidente.

Ariel Avendaño