Patay ang isang Chinese nang lumaban umano sa mga awtoridad na nagkasa ng buy-bust operation sa Balagtas, Bulacan, nitong Linggo.
Dead on the spot ang suspek na si Wu Zishen, 50, taga-Warehouse No. 3, Grand SG Summit Development Corporation, dahil sa mga tama ng bala sa katawan.
Nakatakas naman ang kasabwat nito na nakilalang si Chen Hongli.
Sa paunang ulat ng mga awtoridad, nagkasa ng anti-illegal drugs operation ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG) at Bulacan Provincial Police Office sa Barangay Santol ng naturang bayan, kamakalawa.
Gayunman, bigla umanong binaril ni Zishen ang mga awtoridad na nauwi sa sagupaan at matapos ang ilang minuto ay bumulagta na ito.
Nakumpiska ng pulisya ang 75 piraso ng Green tea bag na naglalaman umano ng iligal na droga na nagkakahalaga ng₱510 milyon, dalawang celllular phone, dalawang identification (ID) card, marked money at Cal. 45 pistol.
Freddie Velez