TARLAC PROVINCE - Nadagdagan pa ng 330 ang nahawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lalawigan, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa datos ng DOH-Tarlac, ang mga nasabing kaso ng COVID-19 ay naitala sa Tarlac City,Capas, Concepcion, Bamban, Paniqui, Gerona, Pura, San Manuel, Moncada, San Clemente, Santa Ignacia, Mayantoc, Anao, Ramos at kalapit pangmgalugar.

Nitong Hulyo 31, aabot na sa 9,149 ang kaso ng nahawaan ng sakit, 473 naman ang active cases, nasa 8,266 naman ang nakarekober at aabot sa 410 ang binawaanng buhay, ayon sa Tarlac COVID-19 Task Force.

Panawagan ng mga awtoridad, pairalin pa rin ang safety at health protocols upang hindi na lumaganap pa ng husto ang virus.

Probinsya

10-anyos na batang babae, natagpuang patay; basag-bungo, walang saplot pang ibaba

Leandro Alborote