Inanunsyo ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Maj. General Vicente Danao Jr. ang pagkakasabat ng tinatayang ₱863 milyong halaga ng pinaghihinalaang iligal na droga sa tatlong Chinese sa ikinasang anti-illegal drug operation ng awtoridad sa Quezon City nitong Linggo.
Ķinilala ang mga naaresto na sina Wille Lu Tan/Chen Bien, 42; Antong Wong/Wang Zhong Chun/Wang Min, 28; at Chen Zhin, 79.
Sa ulat ng NCRPO, magkakatuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)- Intelligence and Investigation Service, PDEA- Special Enforcement Service, PDEA-National Capital Region, Task Force NOA, National Intelligence Coordinating Agency, PNP Drug Enforcement Group at Novaliches Police Station ( PS-4) ng Quezon City Police District (QCPD) sa pagsasagawa ng operasyon sa No.47 Magsaysay St., Barangay San Bartolome, Novaliches,Quezon City, na nagresulta sa pagkakaaresto ng tatlong suspek, nitong Agosto 1, dakong 10:30 ng umaga.
Nasabat sa tatlo ang 127 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng₱863,600,00.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy at maaresto pa ang mga kasabwat nila sa sindikato.
Nakakulong na ang mga ito habang inihahanda ang kakaharapin nilang kasong paglabag a Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Bella Gamotea