CAMP DANGWA, Benguet – Nakapiit na ang dalawang pinaghihinalaang tulak ng iligal na droga matapos masamsaman ng ₱1.3 milyong halaga ng marijuana sa isang buy-bust operation sa Tabuk, Kalinga, kamakailan.
Sinabi ni Brig. Gen. Ronald Oliver Lee, regional director ng Police Regional Office-Cordillera, ang dalawang suspek na sinaCindy Paclay Addawi, 40 at Saldy SologWasigan, 28, nakapwanakatalabilang Street LevelIndividual(SLI) sa Tabuk City ay inaresto ngmga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Provincial Police Intelligence Unit, Regional Special Operation Group at RegionalIntelligence Division sa Sitio Bakras, Brgy. Bulanao Centro, Tabuk City, nitong Hulyo 30.
Ayon kay Lee, hindi akalain ng dalawang suspek na police poseur-buyer ang katransaksyon ng mga ito kaya sila nahuli.
Kumpiskado sa dalawa ang 10 bricks ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng₱1,320,000.00, isang cellular phone, at isang motorsiklo.
Inihahanda na ng mga awtoridad ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban kina Addawi at Wasigan.
Zaldy Comanda