Sinimulan na ng Simbahang Katolika ang pagtitigil ng mga physical masses sa Metro Manila nitong Linggo at sa halip ay balik muna sila sa pagdaraos ng mga online masses para sa mga mananampalataya.

Kasunod na rin ito nang pag-iral na ng mas mahigpit na quarantine classifications sa rehiyon upang mapigilan ang posibleng pagkalat ng COVID-19, partikular na ang Delta variant nito.

Matatandaang simula nitong Agosto 1 hanggang 5 ay iiral ang general community quarantine (GCQ) with heightened restrictions sa Metro Manila habang mula Agosto 6 hanggang 20 ay muli namang ipatutupad sa rehiyon ang pinaka-istriktong enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon sa Archdiocese of Manila, tatlong linggo nilang ititigil ang pagdaraos ng physical masses sa mga simbahan sa Metro Manila.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Hindi lamang naman ang mga banal na misa ang apektado ng community quarantines, kundi maging ang mga nakatakdang binyag at kasal, na ipinapa-reschedule din ng simbahan.

Mahigpit rin naman ang paalala ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula sa publiko na sumunod sa health protocol lalo’t kumakalat na ang mas nakahahawang Delta variant ng COVID-19.

Dagdag ni Cardinal Advincula, kung maaari na at may sapat nang bakuna ay dapat nang magpabakuna ang mga mamamayan upang maprotektahan sila laban sa COVID-19.

Mary Ann Santiago