Balik-trabaho na si Bise Presidente Leni Robredo nang magnegatibo ang resulta ng COVID-19 test nito matapos makasalamuha ang isang nahawaan ng coronavirus disease 2019.

Sa kanyang weekly radio show na, "BISErbisyong Leni,” inihayag nito na masuwerte pa siya dahil hanggang ngayon ay COVID-free siya sa kabila ng close-contact niya sa mga indibidwal na dating nagpositibo sa sakit.

“Buti naman negative tayo, so bukas balik na tayo sa opisina,” aniya.

Sumailalim si Robredo sa pitong araw na quarantine sa kanyang bahay sa Quezon City nang lumabas ang negatibong resulta ng antigen test matapos siyang pumunta sa Camarines Sur para sa opisyal na lakad.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Nasa Naga siya simula Hulyo 23-24 upang alamin ang sitwasyon ng NagaVax Express na nakapagturokng single dose vaccine sa mahigit 6,700 na senior citizens at person with comorbidities.

Nitong nakaraang Linggo, nagtungo rin siya sa turnover ng farm-to-market road at mga farm equipment sa May Ogob Agrarian Reform Cooperative na benepisyaryo ng kanyang Angat Buhay program sa Camarines Sur.

Paglilinaw ni Robredo, hindi niya kilala kung sino sa mga nakasalamuha niya ang nagpositibo sa COVID-19, gayunman, nagkaroon din siya ng pagpupulong, kasama si Senador Richard Gordon na nagkaroon na ng virus.

Nilinaw rin niya na nakuha na nito ang negatibong resulta ng kanyang RT-PCR test result habang siya ay nasa quarantine.

Raymund Antonio