Isa si Margielyn Didal, 22-anyos na tubong Cebu City, sa mga Pinay na atleta na lumaban sa 2020 Tokyo Olympics ngayong taon.

Nakuha niya ang ikapitong puwesto sa women’s street skateboarding na ginanap sa Ariake Urban Sports Park sa Tokyo, Japan nitong Hulyo 26.

Margielyn Didal (AFP)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Noon pa man, mataas na pangarap niyang makamit ang tagumpay sa larangan ng skateboarding.

Ang kanyang tatay ay isang karpintero habang sidewalk vendor naman ang kanyang nanay.

Sa kanyang kuwentong itinampok sa “Rated K” noong 2018, tinutulungan ni Margielyn ang kanyang nanay sa pagbebenta ng dyaryo at minsan ay nagbabarker ito. Sa mga kinikita nila, nagtatabi siya palagi ng singkwenta pesos para mayroon siyang pang renta ng skateboard.

Nang makilala siya ng kanyang naging coach at manager, tuloy-tuloy na ang naging tagumpay ni Margielyn.

Nakamit niya ang gintong medalya noong 2018 Asian Games women’s skateboarding street event. Bukod sa medalya, nakatanggap siya ng incentive na nagkakahalagang P6 milyon mula sa gobyerno at public patrons na nakatulong sa kanyang pamilya.

Gold medallist Margielyn Didal of the Philippines gestures during the victory ceremony for the women’s skateboard street event during the 2018 Asian Games in Palembang on August 29, 2018.

/ AFP PHOTO / Mohd RASFAN

Hindi man niya nakamit ang gintong medalya sa Tokyo Olympics ngunit umingay ang pangalan niya sa buong mundo dahil sa kanyang “sportmanship."

Nag-viral ang mga larawan nito na mistulang nag “photobomb” sa mga larawan ng ilang mga atleta.

Larawan mula sa Twitter: @OBQDC

Screenshot sa isang video ni @rosmello sa Twitter

Larawan mula sa Twitter ni @EazyPZz

Maging ang “all smiles” na larawan niya ay umani ng positibong komento sa mga netizens dahil hindi man nakamit ang gintong medalya ay mukhang masaya pa rin ito.

Larawan mula sa Twitter ng Tokyo2020

Larawan mula sa Twitter ni Gretchen Ho

Photo courtesy: AFP

Kaya naman nakuha nito ang mataas na respeto at mas hinangaan siya ng mga tao. Naging inspirasyon din siya ng ilang mga kabataan na nais din sumabak sa larangan ng skateboarding.

Margielyn Didal of the Philippines flexes her arms wrapped in tattoos during the skateboarding women’s street final of the Tokyo 2020 Olympic Games at Ariake Sports Park in Tokyo on July 26, 2021. (AFP)

Ibinahagi ni Margielyn sa kanyang Instagram na sana, aniya, ay magkaroon na ng maayos na skatepark sa Pilipinas para maibahagi niya kung gaano kasaya ang skateboarding.